"u.p. na nga lang magandang nangyari sa akin, mawawala pa."sa akin? ewan ko na lang. tutal, wala naman na yung main reason kung bakit pa ko nag-aral sa university na ito. i could pick any university i want. lahat naman ng entrance exams naipasa ko. puro problema lang ang kinasadlakan ko dito. siguro i could be nailing a job right now. pero hinde e. i'm still struggling to get a degree -- na wala naman talagang silbi kundi maging pampa-impress sa mga a-apply-an na trabaho.
sa harap ng problema, mas pinipili kong magmukhang masaya. mas madali yun para sa akin, mas nababawsan ang kalungkutang nararamdaman ko. kasi useless din naman kung magmumukmok ako at magiging unproductive. siguro may mga times din na di ko talaga kaya, di naman ako tuod para di makaramdam. pero ang isa sa mga kina-aayawan ko e yung makita ako ng iba na mahina. helpless na nga ang situation ko as it is, magpapa-awa pa ko. mukhang di yata magandang tignan yun, at least for me. i'd ask help from time to time, pero di ba, problema ko to; akong aayos dito. nagtataka nga yung iba, grabe daw ako magmood swings. lahat naman dumadaan sa ganun, mas napapasin lang siguro yung sa kin, kasi, pinapansin nyo talaga.
some people would never just understand. hindi naman lahat nadadaan sa usapan. mas madali lang talaga minsan kung tatakpan ng kulitan sessions ang sana'y iyakan na usapan. oo, alam kong hindi nasosolve ang problema just by laughing it off, pero it's my way of facing the problem head on. i'm under a lot of pressure lately kaya naman sana don't pry me for details. ayokong makipag-usap tungkol sa problema -- lalo naman kasi kung di rin naman makakatulong yun sa pagsosolve ng mismong problema. well, aside from unloading. e kaso ito na yung way of pag-a-unload ko e. blogging. writing. in solitude.


2 comments:
ayus lang yan! ganun talaga ang life. parang buhay...
di ko na maalala kung ikaw ba yun e...
Post a Comment