1.10.06

When September Ends

haay, matatapos na naman ang isang sem. matagal na din pala mula nung huling post ko na may kabuluhan sa mundong ibabaw. eto lang naman ang mga naganap sa kin for this wonderful month of september.

pagudpud escapade -- yes pipol! nagkaroon na din ako ng field trip na pwedeng ipagmayabang!

y4it -- putcha! dun pa ko sa second day pumunta. e yun ata yung pinakagrabe ang daloy ng problema sa buong event na yun. hayuff! buti na lang at nadagdagan ang tshirt ko sa bahay.

wow magic sing -- oo na, panget yung pinangarap kong ireport sa class. pero, at least, sumang-ayon ang buong class sa conclusion na binuo namin 5 mins. bago magreport.

engg lib vs. lis 164 -- mas maganda pagkwentuhan ang issues ko sa topic ko na ito kesa i-blog ko pa.

paglipat ko sa tandang sora -- well, di naman mapipigilan ang changes. darating at darating yan. at least, mas malapit na ulit ako sa peyups.

milenyo -- ayun bagyo sya at kinalbo niya mga puno sa yupee. sinira nya pa yung tambayan ng beta sigma sa vinzon's hill.

lis 199 -- qiqo! good luck na lang sa atin no. sana matapos na ito. leche, 200 pa pala.

at

pasig city museum -- pinaka-ewan sa lahat, pero dito ko naranasan ang preparation ng curator at anthropologist pag magpapa-exhibit. pag di pa kami naka-uno nito, ewan ko na lang.

1 comment:

vErOn said...

naunahan mo ako sa title na ito at sa style. naisip ko to kaninang umaga. buti pala inuna ko muna ang pag-snoop sa blogs nyo. (^-^)