17.5.07

Alimuom (Spanish Edit)**

La lluvia viene. Los truenos son fuertes.

Punung-puno ng galit ang nilalaman ng puso ko. Galit dahil wala akong magawa upang makalimutan ka. Dahil hindi ko alam kung paano mabuhay ng wala ka. Galit ako dahil mas minahal kita higit pa sa sarili ko.

Llueve.

Mabuti pa ang ulan, nairaos na niya ang bigat na nararamdaman. Gusto ko na ring pakawalan ang bigat dito sa puso ko. Kasabay ng mga alaalang nagpapakirot sa dibdib ko. Mga alaalang binalewala mo lang.

Mga alaalang lalong nagpapahirap sa kalooban ko. Dahil sa tuwing maalala ko lahat hindi ko mapigilang hanapin ka. Na sana, narito ka pa rin upang ipagpatuloy natin ang paggawa ng mga alaala.

La lluvia es fuerte. Mi corazón golpea rápido. Yo no te puedo ver.

Ang lamig ng pakiramdam. Nalulunod ang aking kaluluwa. Namamatay ang aking pagkatao.

Mabuti pa nga sana hindi ka dumating sa buhay ko. Dahil hindi kita mapaalis dito sa puso ko.

Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ikaw din ang pinakamasakit kong karanasan.

El tren viene. Las sirenas son fuertes.

El tren para. Hay sangre debajo de...

Kasabay ng pagtila ng ulan, ang paghupa ng aking damdamin. Ang gaan ng pakiramdam.

**tribute ko sa isa sa likha ni kuya glenn. ang ganda eh.

No comments: