**dapat kanina ko pa ito pinost, kaso hebigats ang bagong training namin sa abstracting eh.
hindi ko maipopost ito sa mismong mother's day, pero parang pahabol na tsaka para alam nyo na din. it's been, what, almost seven years mula nang mawala si mama sa piling namin pero up until now, hindi ko pa rin makalimutan yung last mother's day na cinelebrate namin. wala kasi akong pera noon, bakasyon kasi. naisipan na lang naming magkapatid na bigyan siya ng isang makeshift na certificate na may nakalagay na wala syang gagawin na trabaho sa araw na yun at kaming lahat - ako, si nica at si papa - ang gagawa ng mga gawaing bahay. ayun, naglinis lang kami buong maghapon. wala namang espesyal na nangyari. fried chicken nga lang ulam namin. ordinaryo lang kung tutuusin, pero weeks lang after, di na pala namin maulit yun. hectic ang summer vacation nun kasi naglalakad kaming mag-ina ng mga requirements ko for the upcat. kahit na hindi maganda ang pakiramdam ni mama, siya pa rin ang nagpupumilit na matapos na yung lakaran ng credentials para pagdating ng pasukan, yung exam na lang ang poproblemahin ko. hindi ko talaga inasahan ang unang friday afternoon nung school year na yun. pati ba naman section 2 pumunta sa amin para makiramay, e halos 5 lang ata kilala ko dun. ang kulit nga eh, kasi ba naman barya yung binigay na abuloy sa amin tapos yung pinambili nila ng flowers and biscuits ay yung paper bills. ayun e di nabigatan sila sa pagdala mula sa nova bayan hanggang sa amin. ang dumi pa naman ng barya pag maramihan. hehe... pero thank you sa pagdalaw nyo nun ah. kaya kayo, maniwala na kayo sa cliche na na habang andyan pa sila, say i love you na. you'll never know talaga if it's going to be too late. take it from someone who's been there.
sa mga nagtext ng batiin ko si mama for them... ako na nagte-thank you para sa inyo (kesa naman siya pa di ba?). happy mother's day sa mga nanay nyo.
sa mga nagtext kasi nakalimutan na nilang n/a na ang pagiging mama's boy ko, thank you pa rin; pero ngayon alam nyo na ah.
sa mga nakalimot magtext... di ko naman alam kung nakalimot ba talaga o wala lang load eh.
luzviminda solomon-rone
1961-2000
15.5.07
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment