1.5.07

The Name Game

balik work na ulit kami after a long boring weekend. pinalit kasi yung holiday namin sa kahapon kaya andito kami sa work ngayon kahit na araw ng mga manggagawa. as usual, tumatakas na naman ako sa indexing namin kaya ako nagba-blog ngayon. before weekend nagpasama ako sa isang friend dahil mamimili ako ng mga gamit dahi aatend ako ng kasal. kumain na kami sa food court dahil halos nalibot na namin ang buong sm north kakapamili (naks!) tapos nun, napunta na naman ang usapan namin sa showbiz (warning: isang writer at enthusiast ang magkausap). kesyo tataas na ulit ang ratings ng abs, film fest na ulit ang pelikulang pinoy dahil maraming foreign movies, etc. actually, nakikinig na lang pala ako sa kanya kasi siya lang pala halos ang nagsasalita. hanggang sa makita ko si aj perez (abwt ur love). at good luck! hindi kilala ng friend ko. walanghiyahanepasyet! mas marami pa rin pala akong kilalang artista kahit di na rin ako nakakanood ng tv. tapos napunta naman sa starstruck ang usapan.

ako: batch 1, jennelyn at mark herras
siya: batch 2, ryza cenon at mike tan, e bading naman yun
a: batch 3, marky cielo, sole survivor, isa lang talaga panalo dun di ba?
s: yup, tapos sa batch 4, 4 naman: aljur abrenica, jewel mische, kris bernal at mark escudero...

bigla akong napaisip. e di ko naman kamag-anak si chiz eh. wahahaha... binawi nya rin afterwards na mart pala dapat at hindi mark. pero pwede na rin. :p insider scoop: after lupin, in the wraps na ang bagong anime na bibigyang buhay - ang flame of recca. mark herras na naman daw eh. pwede, kaso may fantastic man pa sya eh. si marky sana kaso di naman negro si recca di ba? *peace* sa character ni kurei, sa tingin ko bagay si dex quindoza. tapos jackie pa rin as yanagi (classic damsel in distress). kayo guys, sino ba sa tingin nyo ang bagay sa mga characters?

No comments: