incredibles party
nagkaroon kami ng acquiantance party sa sulu hotel (well, actually sa mcdo dun sa tapat) para formal na kaming ipakilala sa buong company. ok naman all in all, kaso wala akong masyadong nakilala. kung meron man, mukha lang talaga (pano may sarili akong code names para sa kanila). sa tingin ko nga, di na-attain yung aims and objectives nung event na maging makakakilala ang bawat isa sa aming mga employees, pano magkakatabi pa rin yung mga magkakakilala na talaga. naging twist lang yung pagkuha ng name tag kasi bunutan. tapos hahanapin mo kung sino yung taong nabunot mo at magpapakilala ka sa kanya. ayun, nabunot ko yung isa sa mga boss namin (syempre kilala ko na sya nun pa) tapos ang nakabunot din sa kin eh kilala ko na rin (bleh). wala man lang akong na-acquaint na bago! kaya ayun, hanggang ngayon sinusuot ko pa rin yung party sa mcdo. hehehe... para laging acquiantance party ang dating! pero kidding aside, mas maganda nga siguro kung table numbers na lang yung bunutan para surprise talaga kung sino yung mga kasama mo sa buong event. o ha?!
QUOTAble quotes
as of this week ay full pledged editorial analyst na ko (ito talaga ang tawag daw sa amin, hindi matinee idol) kasi nakalampas na ko sa ramp up namin bilang mga trainees. relevance? wala lang... dagdag trabaho. eh ang dami nga ng workload ng buong team. sana lang makuha ko lahat ng quota para tumaas naman yung kayamanan ko. wahehehe... madadagdagan na naman yung team namin. shucks, magkakaroon na ng batch 3 (parang starstruck lang!) kaya siguro sa darating na mga araw, marelease na rin sa full production sina anj, lester, atbp. lilipat na nga rin pala kami ng building... baka raw sa quezon ave, malapit sa edsa (waaahhh!!! ang layo!).


No comments:
Post a Comment