yes sa wakas natapos ko na din basahin ang harry potter and the deathly hallows (thanks kay arthur!). grabe, it's been years na din pala mula nung una akong magbasa ng harry potter series. palagay ko nga factor din sya kung bakit di na ko nag-aral at nagkanda-leche leche ang buhay ko sa eng'g. ahehe... anyways, nainspire akong gayahin (naks!) ang pag-aayos ng gamit ni harry dahil pwede na rin akong magdala ng ilang kagamitan sa bago naming affyse (opisina ng mga mayayaman) para naman at home na at home ako dun. at may mga bagay pala sa drawer ko na di ko man madadala sa affyse eh medyo interesting din ang kwento.
may stuff toy pala akong biik, pasalubong ni andrea na galing sagada. at ang nakakatawa dun eh eli pala ang name nya. hehehe... so eli, isa ka palang biik. pero dapat kasi baka yung ibibigay sa akin ni drea bilang pang-aasar; pero naunahan ako ni shanel sa pagmamay-ari ng naturang bakang stuff toy. eli yung name yung biik name kasi kailangang related sa pang-aasar daw sa akin. di naman ako naasar, natawa na lang ako.
may maliit din akong pillow galing naman kay veron. ongpat naman ang name nya. named after a very famous person na napanood ko na sa gma7. hanggang dito na lang kasi medyo harsh yung kwento eh. hehehe... basta.
may daga din pala akong stuff toy na galing kay lanee. wala pa rin akong maisip na name. basta, daga lang tawag ko sa kanya. at nakaplastik pa rin sya ha, in fairness. siya yung taga-pagbantay ng mga bimpo ko at iba pang mga bagay na suot ko na ako lang ang nakakakita. yun...
may mga abubot din pala ako na imbes na itapon eh tinago ko na lang: yung belt ko sa kamay, mga putol na necklace, wristwatch, anklet, bracelet, keychains, eyeglasses, shades, mga quizzes na perfect, mga quizzes na bagsak, lumang readings na puro doodles, mga lumang readings na mukhang bago kasi di ko nabasa, atbp. ang dami ko palang basura na di ko maitapon kasi iniisip ko na baka kailanganin ko rin tong mga to. shucks, isa rin pala akong pack rat. kala ko pa naman minimalist ako. narealize ko rin na walang tumatagal na accessory sa akin. waaahhh!!!
andito pa rin yung 2 caps ko. oo, may caps ako at 2 pa. pareho pang gift sa akin, yung isa galing sa pinsan ko, yung isa galing kina lc at veron. matagal na din pala akong di nagka-cap, ewan, lagi kasi akong nakakawala ng cap eh. kaya, display na lang sila dito. hehe...
ayun, puro basura pala laman ng drawer ko. yung iba, basura talaga, pero tinago ko pa rin, mga balat ng clover, roller coaster, at kung anu-ano pang chips. andito pa nga sa akin yung book call slip na ginamit kong pangdemo nun sa lib orientation tsaka yung balat ng m&m kissables na galing kay sir quiros (ako kasi ang umubos nun).
di ko na rin pala nabuo yung charmed novel series. ang dami ko na kasing na-miss na titles, e ang hassle naman kung mangungulit pa ko sa national para sa mga back issues. ayun, nagyeyellow na lang sila dito.
ayan, tapos ng lahat ng yan, narealize ko, wala rin pala akong madadala sa affyse. si eli na lang siguro para may bantay yung pc ko. ang dami kasing na papatingin dahil sa wallpaper. naman naman. at syempre pa, yung baso kong si human torch! ang haba na pala nito. tigil na ko.
31.7.07
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment