16.8.07

The Abztract Dancers Chronicles

back to basics

nakalipat na din kami sa wakas ng building pagpasok ng august. at akalain mo yun, kapitbahay lang namin sina kuya elephant! marami rin nagbago sa working lifestyle namin: bagong seating arrangement, hindi ko na kabatch yung katabi ko para naman daw diffused at walang paksyon paksyon yung buong team (ayun, lalo lang kaming umingay, kasi magkakalayo na yung mga magkakadaldalan dati); iba na rin yung pwesto ko - nasa may aisle na ko, e dati nasa tabi ako ng bintana (kaya lalong dumadami ang tumitingin sa wallpaper kong kakaiba! nyahaha); medyo nabawasan na ang pagiging siberia ng opis kasi malaki na yung lugar na pagsisilbihan ng mga alipin naming mga aircon; at tsaka nadiscover din namin na di pala patay na bata si w*ng. hahaha!

ngayon, patuloy pa rin sa onslaught ng sandamukal na articles na kailangang iindex. kasabay nito ay ang patuloy na pagtetrain sa batch 4 (parang starstruck lang!) dahil medyo di na rin kami makacope up sa dami ng trabaho (minsan pagkatamad, pero ibang usapan na yun). bumisita na rin ang ilang lis people dito (kambal, shine, and the like) at syempre naexperience rin nila ang aircon na may amoy bagong pintura at tatlong sabay sabay na car freshener na iba-iba naman ang amoy (kukunan ko ng pichur para may visual aide). well so far it's hi hello lang sa kanila, e kasi naman di ba... si pinyong lang ang bisita ko talaga forever. nyahaha!!

ayan medyo maiksi lang tong post na to kasi wala naman talagang big kwento, naglipat lang kami. hehe..

No comments: