21.9.07

The Third Dramatic Monologue

***as always... dramatic monologue, iba ang persona ng author sa narrator. well in this case, repost ko lang to. credit: janice dalde

"Pano kung ang facial and physical features mo hindi mawari? Yung tipong kapwa babae at lalake nagkakagusto sau? Ano kaya ung feeling nun?"

Ayan kakanood ko ng mga drama kung anu ano tuloy pumapasok sa isip ko kung nung isang moment platonic love tapos ngaun usapan kabaklaan/kalesbian. Wala lang talagang napapaisip lang ako. Paano nga kung ang itsura mo ay neutral. Ung tipong mapapaisip ka na “How could a GUY looks so pretty?” or kaya naman “How could a GIRL looks so handsome?” d b kaloka? Ung tipong ang daming nagkakagusto sau ang siste hinde lang babae pati lalaki find you so amusing and cute. Tangina naman nun parang sobrang dupang ka naman nun ano? Lahat na nagkagusto sau, pero naiintriga talaga ako sa ganung pakiramdam.

What if babae ka, sabihin nating Ms. X, alam mo yun sa kaloob looban ng puso mo at kaluluwa na straight ka as in walang halong kalesbianan ayun nga lang boyish ka pumorma at isama mo pang mejo flat chested ka. Pero totoong babae ka talaga kasi ang puso mo ay lalake din ang pinagnanasaan. And later na realize mo na parang lahat na ata ng tao eh hindi mawari kung ano ka ba talaga. During high schools days mo maraming nagkakagusto sa iyong mga babae at kapag valentines day may nagbibigay sau ng chocolate or bulaklak. Although ayaw mo ng ganung sitwasyon pero parang nag eenjoy ka na rin at minsan pinaninindigan mong lalake ka nga pag nakikita mo ung mga reaksyon ng mga babae sau.

Eh what if naman lalake sabihin natin Mr. Y, nagkagusto ka naman sa isang guy, ay let me rephrase it, sa isang nagpapanggap na guy na tawagin nating Ms. X pero hindi mo alam na girl sa totoong buhay. Dahil nga sa hindi mo mawari ang features hindi ka rin sure pero later pinanindigan mo na lalake nga ung supposedly “gurl”. And then narealize mo na you find Ms. X so amusing, cute at saka sobrang pretty. Bigla mo nalang nasambit ang katagang “what a cute punk” at natatawa ka sa sarili mo at the same time nawiweirduhan ka kung ano ba ung nararamdaman mo. Ayun dun na umuusbong ang “identity crisis” hahahaha kasi ba naman feeling mo nababakla kana kasi nagkakagusto ka sa isang guy. So talagang erase erase ang drama mo at denial stage ka na “hindi we’re just sworn brothers”.

Pero dumating ung moment na lumalalim na ung nararamdaman ni Ms. X to the point na gusto nya aminin na babae talaga xa eh kaso naman natatakot xa na baka dahil dun eh mawala ang uber closeness at sweetness nila ni Mr. Y kahit pa sabihin na sworn brothers sila na may halong malisya bwahahaha. And then dumating you time na sinabi ni Ms. X kay Mr. Y ang salitang “What should I do? I like you” Ayayayay. Kung ikaw ang guy at sabihan ka nito ng kapwa mong guy na sobrang dear sa puso mo papatusin mo ba xa? let say hindi mo nga alam na babae xa at ang pagkakakilala mo sa kanya eh lalake nga xa.

O d b yanig ang buong pagkatao mo dun, kung ikaw si Mr. Y, anong gagawin mo?

a. Tatawa ka ng malakas at sasabihin mong “That’s very funny!”

b. Magagalit ka at sasabihin mong “I don’t like that stupid joke”

c. Walang emosyon mong sasabihin “You’re a gay but I’m not so don’t flirt at me”

d. Iiiyak ka at buong puso mong sasabihin “I'f you're a man or an alien, I don't care anymore...Let's take this as far as we can go...Let's try”

Ai… aigoo… aish!!! Ang saket sa ulo. Ano kaya ung feeling ng mga lesbian or gays? parang ang hirap ng ganung sitwasyon lalo na kung hinde mo alam kung tutugunin din ng taonmg gusto mo ung nararamdaman mo.

Hay. Kwetong Pagibig.

No comments: