when september ends
october na! at isang buwan na lang, matatapos na ang pagiging conractual namin dito sa dgp. ambilis talaga ng panahon, lalo na pag wala kang masyadong pake sa mga nangyayari sa paligid mo. buhat kasi ng nakabili ako ng mp3 player, e kinarir ko na ang pagiging bingi para true friend na din ako dito. mejo asar lang kase yung 6 months na warranty e naging 6 months na life span lang pala ng player ko. amp! sourgrape: siguro kase, lagi na lang syang nababagsak kaya tuluyan na siyang bumigay. well, anyways, bibili na lang ako ulet pag nagkapera na ko. hehe.. ang saya! nga pala, may nagresign! di ko na matandaan eksakto basta ganito ang nangyari. minsan bigla na lang may nag-abot sa kin ng garapon ng chocolate (home-made yata kasi microwaveable yung lalagyan) tapos get one and pass daw. swerte ko kasi sa unahan ako, at katulad ng dati, pag tapos na ang ikot, sa akin ang balik. ahehehe... di na pala namin namalayan e farewell gift na pala yun ni ate em. ewan ko lang ah. baka mali yung kwento ko, minsan kasi umaandar din yung pagkatanga ko lalo na pag naiinfo overload ako. sana nga tama itong post ko. hehehe... sori naman.
october pest
tumaas lalo ang quota ng buong team namin kasi nasa full production na din ang batch 3. ibig sabihin halos lahat kami, pwera na lang sa batch nina wong (raph na tawag ko sa kanya), ay may kakayahan ng magbasa at mag-index ng at least 80 journals sa isang araw. naakakoverwhelm talaga. mantakin nyo from 38 thousand, ngayong october kailangan naming mameet ang 43 thousand na quota. ponyeta! kaya siguro nag device na ang management ng kung anu-anong schemes para mapataas lang ang morale ng bawat isa. anjan ang incentives -- pera! anjan ang quality check -- libre sine (yung akin dati) at anjan ang "shame" campaign kung san nakapaskil sa bulletin board ang performance ng bawat isa. haha... di naman ako affected. kahit pangalawa ako sa kulelat eh di pa rin ako makaabot minsan ng 80. pano ba naman 60 palang nakakapagod na ng utak. naman no. siguro babawi na lang ako sa sembreak. sa affyse na ko titira pansamantala para naman maregular ako no. sayang yung regularization bonus, xmas bonus, 13th month pay, at saka yung exchange gift. at baka may pa-bday pa sa kin. ahahaha assuming.
9.10.07
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment