tuesday ng madaling araw, nagising ako kasi di na ko makahinga ng maayos. nung una akala ko dahil lang sa sipon, e kasi naman ang ginaw ginaw na nun. at dahil 4:10 am palang halos kulang na kulang talaga ang tulog ko. di na ko nakapasok sa work at di ko na rin nagawang asikasuhin ang thesis proposal ko. parang normal na rest day ang ginawa ko nun. since walang internet, tv at dvd lang ako buong maghapon. nung matutulog na ko saka lang ulit ako nahirapan sa paghinga. ang bigat ng pakiramdam. para bang may nakadagan sa dibdib ko na kahit anong posisyon ko sa pagtulog e hindi naaalis.
bumangon ako para uminom ng tubig. wrong move. para yatang lalo akong nahirapang huminga nung kumilos ako ng bigla. di naman sa pag-eexaggerate pero i was on all fours at sinusuntok ko yung sahig kasi ang hirap talagang huminga eh. ayun, mahirap huminga, masakit na dibdib ko, masakit pa kamay ko. wala ring nagawa tita ko kasi di pa umuuwi tito at walang magda-drive sa min papuntang ospital. wala ring maiiwan sa mga pinsan ko kung sakali. ayun. water therapy muna ako sa magdamag. di na naman ako pinatulog ng simpleng paghinga. ok... pati na rin siguro ng what if's na naiisip ko habang pinipilit mag-inhale--exhale.
basta kulang pa rin ako sa tulog kaya kinabukasan lulura-luray ako habang naglalakad. naman. pati simpleng paglabas sa subdivision e ikinahingal ko pa. sabi ko taxi na kame. no can do... mauubos ang pang-ospital kasi trapik sa quirino ave. buti naman at umabot pa ko sa novaliches nang medyo ok ok naman. feeling ko talaga dahil sa ginaw kaya ako nahihirapang huminga. eto na naman yung doktor na kengkoy... congratulations! starting today, officially, meron ka ng asthma. ayun. ganun lang yun... dalawang dampi lang ng stethoscope e may diagnosis na kaagad. watda. um-oo na lang ako. wala na rin naman na akong magagawa eh.
di ko lang maintindihan e kung bakit at papaano? dati pa naman ako nakakaranas na ginawin, mapagod, mabusog sa kakakain ng manok, at makipagharutan sa mga aso. ba't ako nagkahika? matagal na gamutan daw ang gagawin namin. di binanggit kung forever na kong may ganito... napansin ko lang na puro control at self discipline ang litanya ni dok. sa novaliches ngayon ako nagpapagaling. few days din akong nagvuvulcanize gamit ang nebulizer. yun, ok pa sa kin. ayoko lang e etong anti-asthma ko. steroid kasi eh... baka magmukha akong siopao pag nagkataon. waaahhh...
1.12.07
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment