8.12.08

wis lis

at dahil malapit na naman ang pasko (at bday ko!) nakigaya na din ako sa mga nagpopost ng mga wish list. naisip ko lang na ang dami ko palang gustong matanggap this time... hahaha... capricorns are supposed to be materialistic, so pagbigyan nyo na ko. wala namang priority ito, kahit ano na lang pumasok sa isip ko. wala rin pilitan kung sino magbibigay, kung wala, ok lang... kaya ko namang bilin eh (simpleng yabang!) kung meron naman, e di thank you. hahaha!!!

electric o kaya yung ultra-mahal na razor - nakakaasar kasi bumili ng disposable. 2 weeks lang, mapurol na! di lang ako makabili nito kasi ano yun, mas mahal pa yung pang-ahit ko kesa sa facial wash ko. adik lang...

pimp hat - di ko alam kung bagay ba sa kin ito, o kung lagi ko syang masusuot. gusto ko lang itry minsan na makapagsuot ng pimp hat.. kaso sa mga panot lang yata bagay yun eh.

trench coat - may turtle neck na kasi ako, parang kulang naman kung wala nito...

kravat, ascot, o kaya knitted scarf - ...at saka nito. haha... at ano ang gusto kong palabasin? malamig sa pinas?!! mejo naman eh. isasama ko na sana yung terrorista scarf dito, kaso di ko style ang ganun. magmukha pa kong terrorista.

wristwatch - para di ko na ilalabas cell ko kung titingin (minsan kunwari lang) ako ng oras.

mp3 player - some guys are into sports, others into video games... ako naman, into music. gusto ko sana this time, mejo high end na (o kaya yung durable talaga), para matagal tagal naman sa kin. kahit naman di ipod eh.

portable dvd player - aside from music, magdvd marathon ang idea ko ng recreation at entertainment (bukod sa manglait ng ibang tao!)

digi cam o kaya digital video cam - pangkuha ng mga ibidins at pang multiply.com

aviator shades - para naman may shades din ako sa summer. aviator style para medyo bagay sa hugis ng mukha ko.

laptop - basta yung kayang makasabay sa lifestyle ko. naks!

yey... sana matupad kahit mga 2 dito. advanced merry christmas everyone!!!

No comments: