21.9.06

From Pagudpud and Back

yes mga pipol! nagkaroon na din ako ng wow philippines na experience. nakalevel ko na din ang mga flippers na nakaranas na ng sagada, banahaw, at galera. wahaha! eto ang buong kwento: last day nun ng y4it. hanep! di na talaga ako pwedeng umabsent sa anthro185 kaya napilitan akong bitbitin lahat na ng gamit ko para deretso field trip na. tutal madalas namang magpagabi ang mga flippers sa yupee. wrong idea. bakit? pagtapos ng event, aba! nagsipag uwian na ang lahat. to top it all, 200 lang ang pera ko nun -- inutang ko pa kay bianx! o di ba? well, salamat na lang kay kuya carlos, nadagdagan yung pera ng 500 kahit na hanggang ngayon ay di ko pa nababayaran. hehehe...

ngunit di pa dyan nagtatapos ang problema ko. kasi kailangan ko pang mag-antay ng three hours kasi ten pm pa ang call time namin sa bus. napilitan tuloy akong maki-tambay muna sa boarding house nina kuya dave. ayun, dahil wala pa naman daw tao sa checkpoint, inantay ko nang mag-eksaktong ten bago lumayas. maling turn na naman. dahil hindi naman sa mismong checkpoint lumarga yung bus! ang nangyari -- pangatlo ako from pinaka-late na tipong iiwanan na ng bus. kamusta naman sa kin di ba?

logistics muna: una, baon (pera at pagkain), check. damit pangswimming at pamalit along with toiletries, check. cellphone, check. digicam c/o geexie, check. mp3 player c/o dia, check. anak ng... ang dami ko palang hiniraman! e di yun na nga, late na ko kaya di na rin ako nakapili ng upuan. napadpad ako sa seat na bandang likod at walang armrest! buti na lang at mejo friendly yung nakatabi ko at di naman tahimik yung buong biyahe, kaso ang seryoso ng usapan namin. nga pala, nasa likod lang namin sina ces at bf nya.

tulog lang after ng unang stop-over. pagdating sa ilocos, sinunod lang namin yung itenarary. in order (as far as i know) -- balwarte, burgos museum, pagburnayan, crisologo museum, heritage village, paoay church, paoay lake, malacaƱang of the north, at yehey! pagudpud na. kaso pagdating namin dun, umaambon! syempre bawal magnight swimming sa beach dahil sa bukod sa mababasa kami ng ulan e baka kuhanin kami ng mga sirena. hahaha! kidding aside, malakas talaga yung buhos ng ulan at hampas ng dalampasigan kase nasa taiwan lang ang bagyo, at kita na yung taiwan dun! dao ming shi!

pagkatapos kumain, nagvideoke na lang kami! rewind. oo, kinailangan kong makipagphilcoa (read: feeling close agad) para di naman ako maging loner dun sa ilocos, di kasi sumama yung mga groupmates ko sa hum2. ayun, nang-epal ako sa kabilang class nina mam gumba, dun sa mga classmates nina joy at reishel. matapos kumanta e natulog na kami. ang isa na naman sa di ko inisip na mangyayari sa kin e ang roommates ko e puro girls! san ka pa? hahaha! syempre sa sahig ako natulog. at bilisan ko talaga makatulog dahil nagkwentuhan muna kami ng nakakatakot to the point na napraning na yata kaming apat.

swimming to the max kinabukasan. malalakas pa rin ang hampas ng alon. pagsinasalubong namin e parang nagpasagasa na rin ako sa urvan. hahaha! pero enjoy naman kahit papano. pagkatapos pagsawaan ang pagudpud, balik maynila na kami. eto yung ruta -- burgos lighthouse, musoleum ni marcos, at balik uli ng heritage village. tapos tulog ulit sa biyahe pabalik ng manila.

isa lang talaga ang masasabi ko sa trip na ito. nakakain na ko ng sinanglao! pwede na kong maging ilokano. well, actually sa bawat stop-over, tumitikim kami ng pagkain sa probinsyang yun, kaya pilipinong-pilipino na yung tyan ko. *bow*

No comments: