11.9.06

Toll Gate

Take the quiz:
Are you really depressed?


Only slightly

You're a little depressed. You should get some help before you get worse.
Quizzes by myYearbook.com -- the World's Biggest Yearbook!


ngayong gabi ko lang narealize na mukha palang tanga ang isang tao pag bigla na lang umiiyak sa public places. di ko talagang maipigilang lumuha sa pagtugtog ng toll gate ng hale. nakakatawa kasi di naman senti yung song, pero parang ang lakas ng impact sa akin nito, lalo na yung part na

it's over, i'm turning off the lights...

marahil, nagkataon lang na di ko na kaya yung pasanin ko. di lang kasi ako nagkukuwento ng problema ko e. pakiramdam ko, useless din naman kahit ipagsigawan ko pa sa mundo. di rin naman ito masosolve e, tsaka it's bad enough na di ko masolve yung problems ko on my own, ibobore ko pa yung iba sa pagmumumok ko. may hangganan din pala yung tolerance ko sa hardships sa buhay. sana malampasan ko 'to.

applicable pa rin yung entry ko sa previous blog ko.

pagod na ko. pagod na kong makisama, makikain, makitira, makitulog, makiligo, lahat! pagod na kong tumawa, pagod na kong ngumiti, pero pagod na din akong umiyak. wala na ring luha kasi mga mata ko.

This day may be through --
I’m here without you
And i don’t have a clue

kung pwede lang matulog at magising na lang kung kelan maayos na ang lahat. kung pwede lang sana.

Tomorrow, you’ll come.

1 comment:

vErOn said...

marquee... okay lang yan. sana usap tau ng personal. lagi na lang text. hirap noh? pero kaya natin toh!!!