22.10.06

Mga Kwentong Kababawan

Your Envy Quotient: 51%

You are an envious person, but only at times.
Perhaps certain situations trigger your envy. Or maybe you're especially jealous when you're feeling insecure.
Instead of letting that green monster out, work on making your own life better.
And then maybe people will be envious of you.


at dahil bakasyon na, medyo mababawasan ng sense ang matutunghayan nyo sa post na ito.

1. mapupuno na naman ang phone kong kakarampot lang ang memory dahil hindi pa rin ako nakakabili ng bluetooth device (lc, peram!). sa ngayon, naaaliw lang ako sa pagka-camwhore tapos magbubura din. di rin ako masyadong makapag-upload ng photos kasi nga sa bluetooth lang ako umaasa, wala naman itong handset manager eh.

2. may bago na naman akong colonge. ganun ba ako kabaho kaya puro pabango ang binibigay sa akin ng mga tao?! well, actually, natuwa lang yung isa kong tita sa malaking poster ni christian bautista sa bench (ever commonwealth). yung ad para sa pure play. hulaan niyo na lang kung ano yung binili niya. hehehe... o ayan herson, di na ako amoy ssb. amoy balladeer na ako! *grin*

3. nakalabas na pala si rjay sa pda. siya pa lang ata ang nakita ko sa personal before being a contestant sa reality tv show. nagperform pa nga siya dati sa fopc under cursor yata o erg. basta. nakakatawa pa nga nun kasi pinaghuhubad siya ni maggi ng shirt at wag na lang daw siyang kumanta. hehehe... so ahead pala kami ng 6 months na makarinig nung "miss kita pag tuesday." ninigay niya pa nga yung e-add niya para sa friendster. di ko lang sigurado kung yun pa rin yung acct niya.

4. di ko pa rin maintindihan kung paano nagiging madumi yung bahay namin kahit na araw-araw na yata kaming nag-gegeneral cleaning. yung tipong kelangan mo nang magwalis na rin sa hapon kasi maalikabok na naman.

5. hindi ko na yata matatapos ang mga larong "harry potter and the goblet of fire" at "diner dash 2." lagi na lang stuck sa isang level. sa hp, dun na ako sa voldemort encounter, yung laban before priory incantatem. leche, 2nd to the last challenge na yun eh; di ko pa malampasan. yung sa dd2, stuck pa rin ako sa level 28. ang konti ng customers! grabe. kelangan ng marketing skills para makalampas sabi ng pinsan ko. sabi ko, kelangan ng cheat codes.

6. di na ako makasubaybay ng captain barbell! kapamilya kasi yung bahay na tinitirahan ko ngayon. good thing na lang at may internet access pa rin kaya din rin ako masyadong nabobore.

7. napanood ko na din ang kontrobersyal na twilight dancers at nakapagpasa na ng reaction paper. simply put, ipinakita lang dun na hindi lahat ng bagay na ginagawa mo e gusto mo. naks! ang lalim ba?

8. hindi ko na siguro mapapaabot ng 10 itong mga kwento ko kasi wala naman talagang interesting na nangyayari sa akin. nakasalubong ko lang si noel ni kelvin dito sa subdivision namin. kung kelan naman di ako nagpapansin, nakilala niya ako agad. yun lang ang latest sa buhay-buhay. kayo?

No comments: