4.11.06

EB Babe Paolo

november. isa lang ang ibig sabihin nito... malapit na naman ang birthday ko! hehehe... pero ang pinaka-madugo sa buwan na ito para sa katulad kong iskolar ng bayan e ang enrollment period. mainit, magulo, maingay, matagal, at magastos! pero lahat dumadaan sa pagpila during the enrollment. naaalala ko dati yung isang article na nabasa ko kasi tungkol talaga yun sa enrollment dito sa yupee - at pagpila lang daw talaga ang natutunan niya. ewan ko ba. di naman kasi ako masyadong nakakaranas ng pila kasi nakukuha ko naman lahat sa crs. pila lang siguro sa bayad. pero hindi din eh. late registration ako lagi kaya siguro yung pang20 na ako ang pinakamahabang pila na napilahan ko sa enrollment. wait, scratch that. may mas mahaba pa pala akong napilan sa enrollmet pero ito ay nung nasa engg pa ako. grabe, pipila ka dun ng mga 8am pero makakakuha na ako ng form 5a ng mga bandang 230pm na! ganun katagal mag-enroll sa engg. pero ok lang yun, buhay pa naman ako eh. hindi ako pinayagan mag-enroll sa thesis this sem. leche, kasi andami ko pa daw subjects na kelangan tapusin. sabi ng rtc (ma'am des) tapusin ko daw muna yung mga electives, pero kung makulit ako, kausapin ko daw ang supreme court (vaives!). sabi naman niya. baka nga naman daw hindi ma-approve ang topic at baka maging floating (coke) na lang ako forever. akyat naman ako sa court of appeals (dean fadz). ayaw pa din akong payagan. ost nga pala nitong scene na ito ay ang batang-bata ka pa na remake ng sugarfree. pero talaga, akala ko sasabay na ako kina chiara, drea, joan, at andrei na gagraduate by at latest, summer. hfff. nakita ko na nga pala sa personal ang cast ng eat bulaga. masaya na ako nun kahit na medyo sooobbbrrraaang gilid ang pwesto namin sa audience. one thing na pinagdedebatehan ng mga kasama ko e kung bading ba talaga si paolo ballesteros o hindi. kung titignan mo nga naman, medyo nakaka-effeminate ang porma niya, lalo na nung time na nandun kami. aba, lowrise jeans! kita yung tatoo niya sa uhmm... malapit sa hip bone -- tabi ng pusod. ang iksi pa ng shirt niya kaya kita ang abs na non-existent. isa pa, e ano naman kung bi sya. wala naman siyang ginawang mali as far as i know. tsaka kung tutuusin, eat bulaga na lang ang regular stint niya, bukod sa daddy didodu; eh sa lipunan pa naman nating judgemental, kung mag-out siya, baka yung trabaho niya eh mawala pa. napag-usapan din ang talino ni sugar mercado. pero ako, i stand na sadya lang ang pagka-bopols niya. dun niya nadadala ang comedy niya eh.
paris. farist. pares... moscow. maskot... new york. ngu york. nyu york...
kesa naman bigla siyang magseryoso, e hindi naman bagay sa kanya yun. buti sana kung may skills siya sa host ng katulad sa likes nina jc cuadrado and the other tadjock quest alumnis. yun siguro papatok pa. mukhang seryoso na naman ang post na ito. hehehe... pababawin muna natin ulit. ano bang iniexpect ko sa sem na ito. well, una, sana hindi nadissolve yung port11 class ko. two years ko nang kinukuha yun sa crs (for crying out loud!). then sana magkatshirt na rin ako sa acm. sunod sa flipp, and then finally, magkaroon na ako ng up shirt! at bago pang magmukhang wishlist ito, sana makatulog na ko. tulungan nyo naman ako. :P

1 comment:

vErOn said...

"di naman kasi ako masyadong nakakaranas ng pila kasi nakukuha ko naman lahat sa crs."

>>ayos!