14.1.07

Say It With Images!

matagal na din pala akong di nakakapagblog - mula pa nung early december. maraming dahilan: walang time, walang pera, nakakatamad. i feel like i'm growing apart sa sarili kong blog. pakiramdam ko kasi minsan, nakakapagod na ding magkwento tungkol sa sarili ko. well, anyways, bago pa ko maiyak sa self-pity, eto mga nangyari sa before and after ng christmas vacation ko.

- pahirapan talaga sa paghahanap ng murang suspenders. nakaabot na ko ng glorietta kakahap. in the end, isang simpleng spongebob t-shirt at santa's hat lang ang naisuot ko sa kiddie x-mas party ng flipp. so much for not being a kj. haha! nagsimulang matupad ang wishlist ko kahit na pinipilit ko lang talaga na maging masaya nun. meron na din akong twilight ng hale! (thank you eki kate!!!)

- pasko. malungkot, masaya, magulo. plethora of emotions. corny kase ginaya ko lang si dennis trillo sa commercial ng generoso brandy.

- rizal day. pahirapan sa paghahanap ng rizal articles on-line!

- birthday ko. nakita ko si pinyong sa tv. kahit malayo, kita sya dahil sa kanyang mga super patilya. peace! hahaha! may bagong artista na sa flipp. well, pareho din sa pasko: malungkot na masaya na magulo. may mga bumati na di ko inasahan, may mga nakalimot na di ko talaga malaman kung bakit, e ang dali-dali lang matandaan ng bday ko.

- pasukan. bumaha ang mga regalo ko. nabawasan din naman kahit papano ang lungkot na nadarama ko. hehehe... drama. salamat kina joy, veron, at lalung-lalo na kay dia. parang obligado din tuloy akong magregalo. hehehe... may album na din ako ni christian bautista - at callalily.

- ngayon. matapos masira ng phone ko at muling pagkabuhay nito, may account na din nga pala ako sa multiply, nakapagpagupit na din ako, nagkaroon ng buddy (na sana di magtransfer!) sa flipp, nagkaroon ng best friend na boyfriend ni veron na sabi ni jaja na may roommate na lalake sabi ni arthur (whew!) na maraming business (meron abot-kayang palibing!) kaya buhay na buhay si jane - kahit panahon ng giyera. ginagawan na din namin ni dia ng magandang kinabukasan ang new era, mag-aacting na din kami ni dek sa fil50, at mag-eenlist na din ako ng mga huling subjects ko dito sa yupee na magtataas na ng tuition fee.

nabasa ko yung isang entry ng isang friend dito sa blogspot. nakakalungkot at medyo nakakatakot. at narerealize ko na parang nangyayari na sa kin yung sinapit nya.
...growing apart from friends dahil sa lack of communication.
ayoko. ayoko. marami nang nawala sa akin.

well, bago pa maging drama ulit. may bago na nga pala akong trip. si elijah kasi, si mikee daw sya. well, eto ako:

No comments: