nakakaasar yung report namin sa fil50 kasi dapat magkakaroon kami ng powerpoint presentation. ayus tipid sa vis materials - sana! e kaso ininjan kami ni joey. mabuti na lang at nakipagpalit ng report si bestfriend. mas nauna siyang nagreport kesa sa akin, kaya sya ang tumanggap lahat ng panenermon ni sir iniego. tapos, mejo nakadagdag pa yung pagkakaroon niya ng punto kasi lumang tulang tagalog ang binabasa nya eh. di ko nga alam kung tatawa ako that time o tutulungan ko siyang magbasa. di ko naman nagawa kasi mas mahaba ang report ko sa kanya (na dapat si dek ang nagreport nun!). kinuwento ko na lang ang sinaunang quickie sa noli me tangere para mejo tumawa-tawa naman ang class namin.
nakita ko na rin pala ang mga kamukha ko daw sa mga artista. eto mga results:

nagtaas na rin pala ang globe unlimited texting. tumatakbo ngayon ito sa 20 pesos per day. hindi ko pa alam ang full story pero ang alam ko e may day and night shift na ito at 80 pesos (4 days) so far ang pinakamatagal na unli mode ng account mo. yup, doble ang taas. mahirap para sa karamihan, pero ang di ko lang magets e bat nagkacampaign sila laban sa globe, pero globe pa rin ang gamit nila?! wtf? asan ang logic dun? ang alam ko kasi kikita pa nga lalo ang globe pag ganun eh. well, i share their sentiments pero nabuhay naman ako dati na walang unli tapos 300 pa ang pinakamurang load. ewan ko na lang senyo.
marami akong natutunan sa buddy namin. kay kriz, sa sarili ko, at sa mga taong pinag-usapan namin. nakakatuwa naman yung kwentuhan namin, kahit na mejo lumagkit yung comforter ko kasi ilang beses natapunan ng sprite tapos tinapaktapakan pa namin. hehehe... ang ganda ng gabing yun, kaso maliwanag ang buwan masyado kaya di namin nagawa masyado ang stargazing event namin. tsaka pareho na kaming nasi-cr eh. hahaha!


No comments:
Post a Comment