ang flipp ngayon, sa tingin ko, ay nasa calm before the storm. oo, mejo busy pa rin, pero ramdam ko yung tipong pagkakaroon ng lull talaga at yung yung unti-unti nitong pagbi-build up hanggang sa dumating na nga ang bagyo ng mga activities ng march - ang elections, libspeak, gab, fr, at syempre pa, ang semender. alam ko may mga pagkukulang din ako sa ilang aspects pero in fairness naman sa akin, pinipilit ko talagang magpa-active kahit na gustong-gusto ko nang mag-inactive. or not. whatever. haha! gusto ko talagang may manggaling sa school namin na delegates kaya super exhausted din lahat ng resources ko pagpabalik-balik sa novaliches (route: up - tandang sora - nova). bukod sa personal pride e baka sakaling mabawasan ang frustration (for the lack of a better term) ni kuya carlos sa buong org.
maganda naman ang nangyari sa up fair namin this year kumpara last year. medyo iba ng pwesto, pero okay lang naman kahit na nangamoy usok kami dahil sa katapat naming grill. ang booth namin this year ay isang slice off your local tiangge. shirts, stickers, blets, pin buttons, accessories, scents, at flowers at itininda namin (kasosyo si ate). may tulugan pa sa ilalim nun! as always, two nights na naman ang inatendan ko - isa me bayad, isa wala. wednesday, valentines at thursday, sisfire. wala namang masydong nangyari, ang boring nga eh. nanalo lang naman ako ng sony headset, umakyat ng stage at nakamayan si cholo chorizo ng yes fm nung wednesday at nagpa-autograph lang naman ako sa hale at callalily ng cd's ko nung thursday (well bukod sa fact na nasa backstage kami buong gabi). all in all, okay naman ang fair namin kahit na medyo mababa ang kita. sabi nga ni ate, pangit talaga sa side na yun dahil nakaikot at nakagastos na ang mga tao bago makapunta sa pwesto namin. kaya next year sa may entrance na kami pupwesto! hehe...maitawid lang namin ang lis 163, talagang magsasaya ako ng todo-todo. ito na talaga ang pinaka-techie ko na subject all my life. mahirap pero kailangan eh. ang tanging masaya eh alam kong magagamit ko ang skills na matutunan ko dito lalo na pag nakapagtrabaho na ako ulit. kikita daw kami sabi ni ma'am tinao.
wag muna kayong mag-aasawa. tapusin nyo muna ang pag-aaral nyo tapos, magtabaho kayo at magtax evade. saka na lang kayo mag-asawa pag 28 na kayo.okay. dagdag ko lang yung tax evade pero ang lapit ko na pala dun sa 28. nyay! di ko pa nakikita yung sarili ko sa ganung sitwasyon. busy eh. baka matagal ulit ako magkablog ng ganito kahaba at kadami ang kwento.


No comments:
Post a Comment