9.3.07

Mga Amoy ng Pinoy!

  • Amoy - Katangian ng anuman na nalalaman sa pamamagitan ng ilong.
  • Alimuom - Singaw ng lupang nabasa gaya ng naaamoy kapag masikat ang araw at biglang umulan.
  • Alingasaw - Klase ng baho. Masidhing singaw na hindi kanais-nais ang amoy.
  • Antá - Lasa o amoy ng panis na niyog o langis. Olor de aceite rancio.
  • Antong - Singkahulugan ng antot.
  • Antót - Klase ng baho. Mabahong amoy ng maruming tubig o ihi na matagal na nakulob o nakulong.
  • Anggó - Amoy ng sariwang gatas lalo na ang sariwang gatas ng kambing.
  • Anghit - Klase ng baho. Likas na amoy ng kambing. Masamang amoy na nanggagaling sa kili-kili.
  • Angí - Amoy ng nasusunog na pagkaing niluluto lalo na ng sinaing. Lampas ang luto na halos ay masunog. Olor de morisqueta quemada.
  • Angís - Klase ng baho. Amoy ng tae o nabubulok na pagkain.
  • Angláy - Klase ng baho. Amoy na mabaho at nakasusuklam. Olor asqueroso (nakakarimarim, nakakarumal).
  • Angót - Klase ng baho. Mabahong amoy gaya ng sirang bagoong o tapang bulok.
  • Asngaw - Singkahulugan ng alingasaw.
  • Baho - Masamang amoy na nakasusulasok sa ilong.
  • Bansiw - Singkahulugan ng baho. Bansiu: Hediondo, Mabansiu na tubig malantot. Olor de agua corrompida.
  • Bango - Samyo, amoy o halimuyak ng anumang bagay na nakalulugos sa pang-amoy. Olor bueno, perfumes, cosas aromaticas.
  • Bangyi - Olor de estiercol. Amoy ng dumi o ipot (ng ibon o manok).
  • Bantot - Klase ng baho. Singkahulugan ng antot. Amoy ng tubig na bulok na matagal nang nakaimbak sa isang sisidlan o sa kinalalagyan. Agua o cualquiera licor, que echa mal olor por haber estado mucho tiempo en la tinaja.
  • Dapyó - Samyong dala ng hangin. Masamang hanging siyang nagiging dahilan ng panghihimatay o ng biglang pagkamatay alinsulod sa matandang paniniwala. Olor que trae del aire.
  • Ganhaw - Olor de vino o de vinagre.
  • Halimunmon - Halimuyak, samyo, bango, kabanguhan. Olor fuerte.
  • Halimuyak - Klase ng bango. Kabanguhang ikinakalat ng hangin mula sa isang bagay na mabango. Pangangamoy ng isang bagay na mabango o pagkalat ng kabanguhan nito.
  • Hanglay - Olor de frejoles verdes. Lasang alangang maanghang at maasim-asim gaya ng labanos at ilang uri ng gulay.
  • Hangyód - Amoy na masangsang gaya ng pawis ng taong matagal nang hindi naliligo.
  • Imayo - Olor de lo que se trae en las manos.
  • Lansa - Amoy o lasa ng isda, dugo, o karne ng anumang hayop na hindi kasiya-siya at masangsang.
  • Lantot - Singkahulugan ng bantot.
  • Laris - Amoy ng tae o dumi.
  • Palot - Masangsang na amoy ng ihing natuyo na. Olor de orines, sudor o ropa.
  • Panghi - Masangsang na amoy ng ihing sariwa pa.
  • Panglot - Singkahulugan ng palot.
  • Sahang - Tapang ng alak. Olor bueno o malo.
  • Samyo - Kabanguhan o bango, halimuyak. Pagsinghot sa bango.
  • Sanghid - Baho, masamang amoy. Olor de subaquina. Singkahulugan ng anghit.
  • Sangsang - Masidhing amoy na mabango.
  • Sangyód - Amoy na maantot. Masangsang na baho.
  • Taip - Olor que trae el viento.

Mga Sanggunian:

Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
1989 Diksyunaryo ng Wikang Filipino. Maynila: Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.

Noceda, Juan de at Pedro de Sanlucar
1860 Vocabulario de la Lengua Tagala. Maynila: Imprenta de Ramirez y Giraudier.

===========

Courtesy of our anthro185 class under sir Castro.

No comments: