23.3.07

Forward... March!

yes nakita ko na yung pic namin nung fair (inset: right before manalo ako ng sony headset). nagiging habit ko na yata ang monthly blog entry ah. well, anyways, nakakatamad na din kasi ang madalas na pagta-type ng entries, lalo na kung ang buhay mo ay kasing boring ng sa akin. hehehe... eto nga pala ang aking walk-thru for the month of march:

libspeak: para sa mga kwento hanapin nyo na lang yung kwento ng iba. ganun din naman nangyari eh. hahaha... ang nakakatawa nga eh, bukod-bukod pa kami ng mga album sa multiply, pare-pareho lang naman ng mga pictures ng libspeak. masaya naman sya, not bad for a start.

gab: never pa talaga akong umatend ng activity na ito. kakaiba lang this year dahil nautusan (nagpa-utos) kami na kunin yung food at piano sa bahay nina ate rhina at solair. nakampucha! si kuya driver, di man kami tulungan ni pinyong buhatin yung piano! e mas mabigat pa sa ming dalawa yun. talagang drive lang ang dinala nya. to think na naka-call center attire kami. tsaka na lang namin narealize na may gulong pala yung piano nung nasa main lib na nga kami. sh*t. kung walang merienda yun talagang mag-aamok ako.

sc elections: may entry na ako para dun sa meeting de avance. wala namang masyadong nangyari nung elections. nakakatawa lang nung local counting na, nalaman ko na may bumoboto pala ng lahat abstain. langya, bumoto ka pa. sana nagpiket ka na lang na ayaw mo dun sa mga kandidato. congrats nga pala sa mga nanalo.

pansin ko lang, ang daming galit sa paligid ngayon. kesyo ganito, kesyo ganyan. must be the season. hahaha... kwento ko na nga din yung akin. medyo earlier this march to.

round one: alam ko kami ang nasa offensive nito. pero i'm not sorry about it. napaka-petty naman kasi ng issue para umabot sa ganun. bukod sa am-pathetic ng banat, problematic pa. ayoko nang magdagdag ng details kasi masyado ng marami ang nakakaalam. maliit na bagay lang yun to fret about and bore people tungkol sa pagiging mabait mo and stuff. lalo lang nagiging masama ang image mo eh. quiet ka na lang sana.

round two: same people, same issue. di namin talaga inasahan ito. akala namin, tapos na. pero no, nanghatak ka pa ng ibang tao para makinig sa mga litanya mo. tahimik na nga kami eh. nakaganti ka na (i think), tumigil na kami, pero bumanat ka pa. ang kawawa mo tuloy tignan. di ko kine-claim na mabait ako pero kami ang na-offend ngayon.

round three: wala na ako, labas na ako ng ring pero kita ko pa rin ang laban. sus, kaya nyo na yan, matatanda na kayo eh. kung tutuusin patas na talaga ngayon, pareho kasi kayong nagsasalita behind each other's back. nakahanap na kayo ng katapat sa katauhan ng bawat isa. hehehe... nakakatawa kasi yung isa, nagsusumbong sa kin, yung isa obvious masyado. alam ko matalino kayo pareho at mature na enuf para ayusin ang issue nyo. ako, wala namang problema sa akin, pinalampas ko na.

ring side: asar din ako uhmm... tampo na lang for the lack of a better term. ganti lang siguro to sa akin dahil nagawa ko na to kay veron dati. naiwan ko kasi sa tambayan yung binigay nya sa aking super inggo emblem. so alam ko na ngayon yung pakiramdam na makita mong nakakalat lang yung binigay mo sa isang tao. pero nung naisipan kong balikan sandali, aba! wala na... sana nakuha na. pero hindi pa rin suot nung makita ko eh. hmfff.

No comments: