- oo, pinipili pa namin yung walang blemish kasi yun yung hindi nakagat ng paniki. ewan ko ba kung sino nagpa-uso sa amin nun, kaya dapat laging kasing kinis ng holen yung pipitasin ko.
2. nagpipitpit ka ng GUMAMELA para gawing soapy bubbles na hihipan sa tangkay ng walis ting-ting ?
- oo, tapos lalagyan pa namin yun ng sabong panlaba para talagang bumula. pero alambreng pinabilog yung gamit namin hindi ting-ting; mas durable kasi eh.
3. pinipilit ka matulog ng nanay mo pag hapon para daw lumaki ka at hindi ka pinapayagang maglaro pag hindi ka natulog ?
- oo, pero als dos pa lang, gising na ko para makapaglaro agad.
4. naglalaro ka ng patintero, langit-lupa, alabyu teleber-teleber (na i luv u TEDDY BEAR, TEDDY BEAR pla!) at luksong-tinik/luksong baka ?
- ba't wla dito yung shato, monkey-monkey, pepsi-7up, taguan, marcos-marcos, at agawan base? shucks, batang kalye pala ako.
5. malupit ka pag meron kang atari, game&watch o family computer ?
- family computer na nintendo tsaka yung goodboy na may built-in na games.
6. alam mo ang silbi ng: up, up, down, down, left, right, left, right, b, a, select, start ?
- sa contra ito (inset), para magkaroon ng maraming lives. yeah ba!

- meron ata. di ko na maalala, pero naaalala ko pa yung commercial ni goma habang nagsasagwan - lux pa nun si lucy.
8. adik ka sa Rainbow Brite, Care Bears, MY Little Pony, Thunder Cats, Bioman, Voltes V, Mazinger Z, Daimos, He-Man at marami pang cartoons na hindi pa tagalized ?
- e ayoko naman manood ng lovingly yours helen, at connie reyes on camera! di ko na naabutan yung rainbow brite at mazinger z.
9. nanonood ka ng Shaider dahil binobosohan mo si Annie na type na type mo ang puting panty niya ?
- ngek, pano ko naman maiisip yun nun? tsaka para nga siyang di naliligo kasi 2 lang yung damit nya - yung earth clothes at yung space suit nya.
10. marunong kang mag wordstar at nakahawak kana ng 5.25 floppy disk ?
- oo naman, nakahiga pa nga yung cpu nun at nakapatong pa yung monitor sa cpu.
11. inaabangan mo lagi ang Batibot at kala mo magkakatuluyan sina Kuya Bojie at Ate Shiena ?
- ahahaha! si kuya bodjie! (naalala ko yung gf nya ngayon!) loveteam ba sila nun?
12. nung hayskul ka, inaabangan mo ang Beverly Hills 90210 ?
- shucks. gimik na yung barkada-oriented show nung highschool ako ah. juday-rico na nga nun eh. pang mas matanda pa pala sa kin dapat itong survey na ito.
13. gumagamit ka ng Aquanet para pataasin ang bangs mo ?
- mama ko.
14. kung girl ka, may blouse kang may padding.. at kung boy ka, may sapatos kang Mighty Kid ?
- rubber shoes na mighty kid tsaka yung umiilaw pag pinantatapak.
15. nangongolekta ka ng stationaries at mahilig kang magpasign ng slumbook para malaman mo ang crush ng crush mo ?
- yung mga classmate kong may mga slumbook.
16. kilala mo si Manang Bola, Sitsiritsit, si Ging2 at Ning2, si Pong na mahilig sa kang-kong at kiko na mahilig sa saging ?
- oo, barkda pa sila nina kapitan basa at irma daldal.
17. alam mo ang sagot sa tanong na: "Sino ang Bestfriend mo doon?" ?
- syempre ikaw lang!
18. lumaki kang bobo dahil hindi talaga nangangagat ang alimango.. naninipit yun. ?
- basta ayoko ng seafood, tapos.
19. meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. at alam mo un hanggang ngayon ?
- chorus lang alam ko eh -- humanap ka ng panget, binibirocha, tsaka alabang girls.
20. lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka ?
- lampin bago nag-evolve sa good morning towel (na madaling mabutas).
21. bumibili ka ng Tarzan, Texas, Bazooka Joe, Pompoms at syempre ang Cheekadeez dahil may free toy ?
- oo kasama pa yung gum balls na 5 per piso na iba-iba kulay.
22. alam mo ang ibig sabihin ng time space warp at hindi mo malilimutan ang time space warp chant ?
23. 6 digits lang ang phone number nyo dati
- yep yep.
24. nakakatawag ka sa payphone na 3 bentesingko lang ang pera mo ?
- hinde kasi 3 pesos na yung una kong naabutan na payphone rate. pang mas matanda talaga sa kin tong survey na to. buset!

