start of something new
so a week after akong tawagan upang muling magtrabaho sa dgp, eto na naman ako at nagdudunung-dunungan sa larangan ng information science. and this time, alam ko na di sya exactly 9 am magsisimula so mejo itiniming ko yung pagpunta ko. at tama nga, mga 10 am na nagkaroon ng formal na training session ek ek. mas madami ang mga ka-batch ko ngayon - sampu na kami sa buong batch eh. gusto ko sanang maglagay ng pics dito kaso, di ko pa sila mga kaclose masyado at wala din naman sa akin ang bluetooth ni lc. at syampre baka bumili na lang ako ng akin. so sampu nga kami:
- anj, mark, lester - library experts daw kuno
- eric, marcus, rey 1 at rey 2, alan - backstreet boys (matatanda na kasi)
- james - pareho kaming 01, yay batchmate!
- criselle - ilis din daw sya
jack of all trades
madali nga yung project ang dugo naman ng training namin. mas madami na syang conventions at rules regarding index terms. feeling ko kelangan kong iretake yung 62 at 64. huhuhu... tapos importante din ata yung dapat medyo flexible yung vocabulary mo. shomai naman o. dun pa naman ako kamote. pag nakapwesto na ko dun sa training session, parang starstruck na kelangan madami kang alam. e may times na boring yung session. nakakatulog nga si lester e! ang kulit pala nung taong yun. lakas ding mangtrip. buti na lang medyo seryoso si anj kaya balanced out nya si lester. pramis, may times na gusto na lang matulog kasi medyo boring. ayun, napikon ata yung trainor namin kaya bigla kaming nagkaroon ng "reporting" ng mga topics sa manual namin. at isa pang shomai, ako lang yung topic na unique at walang ka-pattern. hayuff! well, di nyo naman makikita kung anong kapalpakan ang mangyayari eh. haha...
fantastic mark
no, di sya tungkol sa work pero ito yung sa mga topic namin kanina habang nagdadaldalan sa training. ayus din si idol, natupad na yung pangarap nyang magkaroon ng role sa action-comedy. actually, siya lang yung bet ko sa starstruck na talagang nanalo. tapos nun, di na ko nakakatsamba sa mga pustahan.

astig nga yung costume nya kahit na mukhang ube quezo na ice cream. sana tumagal yung show. :) mas inaabagan ko pa nga tong fantastic man kesa sa lupin, medyo nakakasawa nang panoorin si richard. give chance to others di ba? another thing, medyo sumaya na ulit ako dahil at long last nagka-ayos na din kami ng best friend ko. haha! ikaw kasi bugs, wag mo kong inaaway. nyahahaha!


No comments:
Post a Comment