29.8.07

20 things I want to say to certain people

List 20 things you want to say to certain people but you know you never will. Don't say who they are. Then, post the list entitled "20 things I want to say to certain people"

1. miss na kita, sobra. ang dami kong gustong ikwento sa yo pero di naman tayo nagkikita. i guess ganun talaga siguro pag kailangang magtrabaho. kanya-kanya na tayong priorities sa buhay. anyways, kahit alam kong mas matapang ka sa akin, sana naiisip mo rin na nag-aalala din ako sa yo pag wala na kong balita. hinay-hinay lang, maayos din ang buhay natin.

2. hoy yung damit ko ah, ingatan mo yan kahit na di ako nagagandahan dyan, bayad yan. hehe... tsaka walastik ka rin magtanong eh no, napaamin mo ko ng wala sa oras.

3. paminsan-minsan naaalala ko pa rin yung comment mo na lahat ng nagkaka-crush sa akin eh walang taste. ano na ba sa tingin mo ngayong kaibigan mo na ko? pero naapreciate ko yung concern mo sa kin.

4. sayang di mo na mababasa ito, pero tanong ko lang: seryoso ba talaga yung mga tinetext mo sa akin? ayoko kasing mamisinterpret mo ko o kaya mamisinterpret kita. alam ko mabait ka, kaya nga kita kaibigan eh... kaso iba na eh. i'm open minded pero i don't entertain, i'm not interested, tsaka wala akong tendency.

5. ikaw lang ang nakakapaglambing sa akin ng ganun, alam mo ba yun? pero siguro naman alam mo na yung feeling ng nilalambing masyado.

6. bihira na nga tayong magkita, di pa tayo nagkaka-usap ng matino. kelan kaya mauulit yung dati na opinionated tayo sa lahat ng bagay? naalala ko pa nga yung mga araw na kaya nating mang-OP ng isang buong class, mas madami sila pero OP silang lahat sa atin. ingat lang sa mundo ng politika ah, tandaan mo galing ka pa rin ng showbiz.

7. alam mo, hanggang ngayon, guilty pa rin ako dun sa mp3 player mo. sorry talaga ah.

8. histrionic ka talaga kahit kelan. di ka na nagbago.

9. nakakamiss ka rin naman eh. isa ka sa mga taong kaya akong unawain kahit di ako nagkukwento. ikaw na siguro yung twin sister that i never had. hehe.. salamat sa lahat ah, at sana kung may time, maglakwatsa naman tayo buong maghapon para marami-rami ang mga mababalaj natin na mga tao.

10. alam mo bang hanggang ngayon eh nagha-hang ako (minsan) pag nakikita kita?

11. ingatan mo mukha mo. asset natin yan eh! nyahaha

12. sana magkalovelife ka na para di naman sayang yung mga pang-aasar ko sa yo. mag-ingat sa tsaa!

13. natuto akong mas maging masayahin dahil sa yo. sorry kung di ko nasasabi lahat. tsaka, isa pa, wala pa tayong masyadong bonding moment eh. dapat magsked tayo ng baliwan day tapos ang topic natin maghapon eh lovelife tsaka mga patay na bata.

14. mas bagay sa yo yung long hair kahit na nakakain ko sya pag magkatabi tayo sa jeep. sana maayos na lahat ng mga problema mo... yun lang naman ang mahihiling ko sa yo eh, tsaka sana sumaya ka na, yung totoo.

15. siguro matagal-tagal pa bago mo ito mabasa. hindi pa rin yata ako handa na magkita tayong muli. ang tagal na din pala. pero sana masaya ka na talaga sa kanya, at sana hindi ka nya paiyakin. kahit hindi na tayo nag-uusap gaya ng dati, tandaan mo na andito lang ako para sa yo lagi.

16. siguro naman masaya ka na ngayon kasi nakahanap ka na ng makikinig sa yo. e kesa naman dun sa isa, panget na, manyak pa. sana magtagal ang relasyon nyo kasi sa totoo lang, kayo lang nakakatagal sa isa't isa eh (opinion ko lang naman).

17. ang saya siguro dyan sa amerika ano? di ko pa rin makita yung pictures natin.

18. wala lang talaga sa ugali ko ang magkwento ng tungkol sa akin. o kaya siguro nasa paraan lang ng pagtatanong yan hehe... e pano naman kasi, yung mga tanong mo masyadong inquisitive eh. nawawalan ako ng air of mystery.

19. kala ko talaga lalaki ka, yun pala lalaki rin ang type mo! anyways, espesyal ka sa kin kasi ikaw ang una kong kaibigan sa ilis na never ko pang nakilala bago ako nagshift. wag ka namang magpakapulubi kasi sa pagkain, magtipid ka na sa lahat, wag lang sa sarili mo... pano na lang kaming mga umaasa sa libre mo?

20. salamat sa mga payo mo. siguro nga panahon na para bigyan ko naman ng pagkakataong sumaya ang sarili ko.

No comments: