6.9.07

The Abztract Dancers Chronicles

Sayang ang Miles!

matapos ang anniv slash acquaintance party ng buong company, back to normal na ang lahat. well, sort of. pero kahit anong gawin namin talaga, di namin maabot yung quota ng buong team. may deficit na naman kami for september ng around 8 thousand articles. nakaka-overwhelm lang talaga yung dami... kahit ilang sabado, bagyo at holidays pa rin ang ipasok namin, wala, kulang talaga sa effort. hay naku sana lang magbago yung performance namin. aba, outing din ang kapalit nun! (fingers crossed!!!)

Pwede Bot?

nareceive ko kanina ang first ever in-house quality check results ko sa indexing. so far, ok naman sa quality. 95% na yung pinakamababa at yun ay dahil engineering articles ang iniindex ko at talagang hardcore sya! whew! well, tulad nga ng lagi kong sinasabi, you can't have it all. sa quantity naman ako pumalpak. naman naman... bale sa buong august pumapatak lang ako sa average na 60 per day, samantalang si opismate eh halos doble ng performance ko. buset!!! yun nga lang baligtad yung sa kanya. may feedback naman na di kaaya-aya sa quality. so bawi din. hehe...

Memory Gap

at dahil nga mukhang opis na yung lugar namin, nagkakaroon na ng office rules na kailangang sundin: di ako nakakaattend ng mga miting kasi nasa school ako pag nagpapamiting sila. so eto lang yung alam ko:

- bawal magdownload ng media files sa mga file sharing sites.
- bawal magsaksak sa avr (dapat yung pc lang daw)
- bawal kumain ng mga cup noodles or anything na may sabaw sa work station
- bawal maglaro ng online games
- bawal manood sa youtube

di ko na alam yung iba pang bawal pero yung iba dyan, hehehe... kaya namang itakas eh. nakakaasar lang yung download at youtube. nakakaapekto daw yun sa bandwidth ek ek. wala naman akong magagawa, sila yung nagbabayad sa min eh. saka na lang yung simpleng piket pag regular na kami.

Tableta ng Buhay

para kay bading! wong update: wala naman. patay na bata pa rin (i definitely recommend vita vegetable). siguro pag nagreshuffle ng seats at mapunta sya sa pwesto namin eh magiging madaldal na rin sya.

No comments: